Wednesday, January 14, 2015

A Call For Maria Claras and Sisas to Stand up for their Right


Gone are the days when men are the center of the universe.

We live in these times when women are also recognized as part of the society. After all, it is a woman who bears and gives birth to a society. 

Women are at par with the men when it comes to abilities. Yet of course, we take note of the difference in terms of physical abilities. There is a delineation. And a woman knows where such demarcation line starts and ends. 

The physical strength of a man is beyond compare to that of a woman. The same issue on physical strength is, more often than not, where a woman falls and gets to succumb to abuses be it psychologically, mentally, physically or sexually.

Abuse to one's physical strength + disrespect to a woman = Violence to a woman





Ang pagiging babae ay pamumuhay sa panahon ng digma
Ni Joi Barrios

Kapiling ko sa paglaki ang pangamba,
hindi ko tiyak ang bukas
na laging nakakawing
sa mga lalaki ng aking buhay:
ama, kapatid,
asawa, anak.

Kinatakutan ko ang pag-iisa.
Sa pagiging ina,
kaharap ko’y tagsalat.
Pagkat ang lupit ng digmaan
ay hindi lamang
sa paggulong ng mga ulo
sa pagguhit ng espada,
kundi sa unti-unting pagkaubos
ng pagkain sa hapag.
Ay, paano sabay na magpapasuso sa bunso
habang naghahanap ng maisusubo
sa panganay?

Walang sandaling
walang panganib.

Sa sariling tahanan,
ang pagsagot at pagsuway
ay pag-akit sa pananakit.

Sa lansangan,
ang paglalakad sa gabi’y
pag-aanyaya sa kapahamakan.

Sa aking lipunan,
ang pagtutol sa kaapiha’y
paglalantad sa higit na karahasan.
Kay tagal kong pinag-aralan
ang puno’t dulo
ng digmaan.

Sa huli’y naunawaan,
na ang pagiging babae
ay walang katapusang pakikibaka
para mabuhay at maging malaya.


- See more at: http://pinoyweekly.org/new/2010/03/ang-paborito-kong-tula/#sthash.SnzYAzcD.dpuf

Hanggang kailan mangangamba ang isang babae sa panganib na maaaring gugumon sa kanya?
Hanggang kailan mapapanatag ang kalooban ng isang Maria Clara at Sisa?

No comments:

Post a Comment